Ni Alexandria Dennise San Juan at Rommel Tabbad

Matapos ang desisyong suspendehin ang pitong bus ng Partas Transportation Inc., isinumite nito kahapon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang blackbox na naglalaman ng dash cam footage ng unit nito na nasangkot sa malagim na Christmas road crash sa La Union, pero hindi naman ito mapanood.

Ayon sa abogadong si Aileen Lizada, LTFRB member at spokesperson, nagpunta kahapon sa ahensiya ng vice president of human resources at ang abogado ng Partas, kasama ang information technologist ng bus manufacturer upang isumite ang blackbox at ang SD Card ng dash cam.

Ito ay matapos mag-isyu ang board ng preventive suspension order (PSO) sa pitong bus ng Partas na may rutang Pagudpud, Ilocos Norte patungong Maynila nang magsumite ang kumpanya ng kopya ng closed-circuit television clip sa loob ng bus sa halip na kopya ng dash cam footage na sinabi ng LTFRB na “very crucial to their investigation.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bilang pagsunod sa requirements, isinumite kahapon ng Partas officials ang GPS device, dalawang blackbox na may CCTV clip sa loob ng bus, at ang dash cam footages ng bus na patungong Laoag City, ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano.

Gayunman, sinabi ni Lizada na kinakailangang i-convert ang recording format ng video footage upang mapanood, habang hindi mai-convert ng IT ng bus manufacturer ang recording. 

Dahil dito, ipinagdiinan ng LTFRB sa Partas officials na ang mismong dash cam footage ang kailangan ng ahensiya.

“We did not accept the SD card, otherwise, it might be on the shoulders of the LTFRB if there is any defect in the card. We told them to give us the footage of the incident,” sabi ni Lizada.

Sa kabila ng pagsusumite ng Partas ng footage, sinabi ni Lizada na itutuloy ng LTFRB ang suspensiyon sa ilang bus ng kumpanya.