Ni Reggee Bonoan

SI Jojie Dingcong pala ang talent manager ng anak nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Khona si Scarlett Snow Belo Kho na sa 2018 ay mapapanood sa maraming TV commercials.

Scarlett copy

“Watch out for Scarlett Snow next year (2018), magugulat ka,” sabi sa amin ni Jojie.

Human-Interest

Pamilya ng lalaking binundol ng private jeep, nagulungan ng cargo truck umaapela ng hustisya

Ayon sa manager ni Derek Ramsay, ayaw na niyang magkaroon ng maraming talent dahil sakit sa ulo kaya namimili na raw siya. Sumasakit lang daw kasi ang damdamin niya kapag nawala sa kanya lalo na kung siya pa ang naka-discover.

Naalala tuloy namin ang tungkol sa aktor na nadiskubre ni Jojie at sa kanya rin ipinagkatiwala ng magulang, pero hindi rin nagtagal nu’ng sumikat na. Walang masamang tinapay na sinabi ang manager sa ex-talent niya, wish lang niya, sana ay mas lalo pang sumikat.

Ngayong dumating si Scarlett Snow sa buhay ni Jojie ay tuwang-tuwa siya dahil talagang pinasasaya siya ng bata araw-araw sa rami ng mga nalalaman nito habang tumatagal bukod pa sa inaanak niya ang bagets.

Sabi nga namin kay Jojie, ‘so for friendship ang pagiging manager mo kay Scarlett?’

“Ay, darling, I told Vicki na magkaiba naman ang friendship namin sa pagiging manager ko kay Scarlett. Paano ako kikita kung wala, eh, ito ang bread and butter ko?

“Naku, matutuwa ka kay Scarlett, believe me, sobrang talino at grabe ang reasonings niya, mababaliw ka, ako nga nababaliw sa kanya,” masayang kuwento ng manager nina Derek at Paolo Ballesteros.

Bumubuo rin ng male group si Jojie pero hindi pa gano’n ka-solid. Gusto niya ay almost perfect na kapag iniharap na niya sa media.

“Kaya as of now, I will concentrate with Derek, Pao at Scarlett muna, darling,” say ni Jojie.