TULAD ng inaasahan, matikas na sinimulan ni rookie guard Kiefer Ravena ang career sa PBA’s 43rd season.
Pinahanga ni Ravena ang basketball fans sa naiskor na averaged 19 puntos, 8.5 assists, 4.5 rebounds at 2 steals na nagdala sa NLEX sa panalo kontra KIA at GlobalPort sa Philippine Cup.
Bunsod nito, nakopo ni Ravena ang PBA Press Corps Player of the Week award. Ginapi niya sa parangal ang kasanggang si JR Quinahan, San Miguel slotman June Mar Fajardo, Ginebra’s Greg Slaughter, Meralco forward KG Canaleta, Rain or Shine’s big men Beau Belga at Raymond Almazan.
Umiskor ang dating two-time UAAP Most Valuable Player ng 18 puntos, 12 assists at pitong rebound sa 119-115 panalo kontra sa Kia Picanto sa kanyang debut nitong Dec. 20.
“I had no doubt he can make an impact and lead the team as I was hoping. That’s exactly what he did. He’s going to be special,” pahayag ni NLEX coach Yeng Guiao.
Ang 24-anyos Ateneo stalwart ang No.2 pick sa nakalipas na PBA drafting.