Ni PNA

KAMAKAILAN ay nagkampeon si Hillary Diane Andales, estudyante ng Grade 12 sa Philippine Science High School (PSHS)-Eastern Visayas sa Palo, Leyte, sa 3rd Breakthrough Junior Challenge, isang taunang global science video competition.

Tinalo ng 18-anyos ang 11,000 kabataang estudyante mula sa 178 bansa, at nagkamit ng P20 milyon premyo.

Ginawa ang tanyag na vote contest sa Breakthrough Facebook page simula Oktubre 23 hanggang Nobyembre 2 ngayong taon, at ang may pinakamaraming boto ang pasok sa final round.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Para kay Hillary, ang kanyang pagtitiyaga at ambisyon ang dahilan kung bakit siya nanalo sa kumpetisyon, na layuning himukin ang malikhaing pag-aaral sa pangunahing konsepto ng life sciences, physics at mathematics.

Hindi na bago si Hillary sa kumpetisyon dahil lumahok din siya sa parehong paligsahan noong nakaraang taon at tumapos sa ikatlong puwesto.

“I was determined to try again,” sabi ni Hillary, at inamin na gumugol siya ng halos isang taon sa pag-iisip ng konsepto ng susunod niyang video entry at bilang paghahanda, nanood siya ng maraming video sa YouTube upang makakalap ng mga ideya.

Para ngayong 2017, ipinaliwanag ni Hillary sa kanyang tatlong-minutong video entry, ang siyentipikong konsepto ng Relativity and Equivalence of Reference Frames, sa paraang pinakamadaling maiintindihan ng masa o ng mga hindi interesado sa siyensiya.

“We could compare it to two individuals’ observation or opposite perceptions. For example, the numbers 6 and 9. One could see it as number 6 while the other person could see it as number 9. Nobody could actually tell if that is really 6 or 9,” sabi ni Hillary.

“That means, even if two individuals have different perceptions, both of them could be correct,” dagdag ni Hillary, kasabay ng kanyang simpleng paliwanag tungkol sa teorya ng relativity.

Samantala, pinasalamatan ni Hillary ang Department of Science and Technology sa suporta sa kanya.

“(The DoST) provided me with the scholarship opportunity (in Pisay),” sabi pa ni Hillary.