Ni Nitz Miralles

NASIRA ang usapan nina Megan Young at Mikael Daez na hindi nila dadalawin ang isa’t isa sa kani-kanyang show.

Walang ibinigay na dahilan ang dalawa, pero siguro parang walang masabi ang co-stars nila at para makapag-concentrate rin sila.

Megan at Mikael copy

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Kaya lang, nabalewala ang deal nilang ito dahil magkasama sila at magkapareha pa sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na The Stepdaughters. Hindi sila puwedeng mag-iwasan lalo na kung may eksena sila, alangan namang double lang ni Megan ang makakaeksena ni Mikael.

Nabanggit ni Megan na mas takot pa siyang makaeksena ni Mikael na boyfriend niya in rela life kesa kay Katrina Halili na kasama niyang magbibida sa teleserye sa direction ni Albert Langitan.

“Alam kong sweet sa tunay na buhay si Katrina, kaya hindi ako natatakot ‘pag may eksena kami. Kahit sampalan, sabunutan at tarayan pa ang eksena namin. Mas takot ako talaga na makaeksena si Mik (tawag ni Megan sa boyfriend).

Hindi ko alam kung bakit takot ako at alam niya ito,” sabi ni Megan.

Kung hindi Impostora, Haplos ang papalitan ng The Stepdaughters dahil ang Contessa ni Glaiza de Castro, papalit sa Ika-6 Na Utos.