Ni Reggee Bonoan

KASALUKUYAN palang nasa London sina Liza Soberano at Enrique Gil. Doon sila nagdiwang ng Pasko at maging Bagong Taon.

Ito ang sabi sa amin ng manager ni Liza na siOgie Diaz nang makausap namin nitong Lunes, Disyembre 25 sa cellphone nang tanungin namin kung nasaan ang alaga niya 

Enrique at Liza copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Hindi ba puwedeng magpahinga, Reggee Bonoan, Pasko naman? Deserved naman nu’ng bata ‘yun!” 

Sabay sabi pa, “Nasa London, dream niya ‘yun na dalhin ang buo niyang pamilya sa London at iba pang kamag-anak nila. Gusto niyang magkakasama sila.”

Dagdag ulit, “Magkasama sila ni Enrique sa London, buong family din nandoon, magkikita-kita yata sila ro’n. Matagal na nilang plano ‘yun, ganu’n naman sila, di ba, last year din ganu’n.”

Tama naman na kailangan ni Liza magpahinga dahil bukod sa teleseryeng Bagani na sila ni Enrique ang lead stars -- mula sa direksiyon niRichard Arellano under Star Creatives -- ay sinisimulan na rin niya ang Darna movie na ididirek ni Erik Matti na ang target playdate ay last quarter ng 2018.

Sinilip namin ang Instagram account ni Liza nitong Martes at may post siyang nasa Abbey Road na nilagyan niya ng caption na, “’We live in a world where we have to hide to make love, while violence is practiced in broad daylight.’

- John Lennon. One of my most favorite quotes, thought it would be perfect for this photo considering it was my first time at Abbey Road and it’s Christmas day! I guess what I’m trying to say is do not be afraid to spread love!!!”

Paboritong puntahan ang Abbey Road ng mga turista sa London. Naging iconic ito simula nang gawing cover ng Let It Be album (1969) ng The Beatles ang kuha sa kanila habang tumatawid sila sa pedestrian lane.

Going back to Liza, may kuha sila ni Enrique na nasa gitna sila ng kalye na maraming ilaw habang naka-look-up at nakangiti.

‘Kaso hindi ganap na masaya ang Pasko ng aktres dahil hindi niya nakasama ang ama, stepmom at kapatid dahil hindi nabigyan ng UK Visa.

Post ni Liza sa IG account niya, “Merry Christmas from our Family (not complete) to yours!!! It’s our (@soberanojustin and I) first time to not be celebrating Christmas in our house. It may not be the traditional way of celebrating but nonetheless is it meaningful. 

“There were many first for us and I’m happy I get to spend it with people I love dearly. Sadly, my dad, stepmom and new baby sister weren’t with us for Christmas because my dad was denied of a UK visa, but they are enjoying in Paris!! I also want to take the time to say thank you to @angelydub of @accesstravelph for taking good care of us, and for organizing this trip. We couldn’t have done it without you and to Ms. Thess Romero and sir Jun for helping my dad out with his visa. 

“Also, happy birthday Jesus. Thank you Papa God for sacrificing your only begotten son for the lives of many, let us not take that for granted. Merry Christmas again everyone and Enjoy!!”

Sa Enero 2018 na babalik ng Pilipinas ang LizQuen para sa promo ng Bagani na malapit ng ipalabas sa ABS-CBN.