Ni Martin A. Sadongdong
Ang ilang araw na pagkawala ni Ica Policarpio sa Muntinlupa City ay hindi umano dahil sa trending prank sa social media na tinatawag na “48-hour challenge”, kundi dahil sa “deep emotional distress”, ayon sa kanyang pamilya.
Sa opisyal na pahayag ng pamilya Policarpio na ipinost ng kapatid ni Ica na si Bea sa kanyang Facebook account, sinabi niyang hindi deserved ng 17-anyos niyang kapatid ang mga panghuhusgang tinatanggap nito online ilang araw matapos itong matagpuan.
“Thank you to everyone who has respected our request for privacy for the past 48 hours. This was only so our family could have a little time to recover from sleepless nights, as well as have some semblance of a normal Christmas.
These were our first attempts at healing, though we are a long way from this,” post ni Bea sa Facebook.
“Firstly, I would like to clarify that I have learned first hand from my sister Ica that she had no knowledge whatsoever of any ‘48-hour challenge’ (supposedly trending) in other parts of the world. She DID NOT join any such challenge. Her disappearance was not a prank,” paglilinaw ni Bea.
Matatandaang ilang araw na nawala ang dalagita makaraang manawagan sa social media ang kanyang pamilya upang matagpuan siya isang araw bago ang Pasko.