Ni Liezle Basa Iñigo

Masuwerteng ligtas at hindi sinaktan ang isang konsehal at walo niyang kamag-anak nang looban ang kanilang bahay at tangayin ng mga hindi nakilalang suspek ang aabot sa P100,000 pera at kagamitan sa Purok 7, Barangay Sinsayon, Santiago City, Isabela.

Sa report kahapon ng Santiago City Police, Martes ng umaga at nasa kasarapan ng tulog si Edgar Nilo Guyud, 57, miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Guillermo, Isabela, kasama ang asawang si Isabelita Salem Guyud, 61, nang mangyari ang panloloob.

Lumilitaw na dakong 2:30 ng umaga nang mangyari ang panloloob makaraang maiwan ng pamilya na nakabukas ang main door ng kanilang bahay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Natangay ng mga suspek ang isang wallet na may P5,000 cash, PRC ID, voter's ID, driver's license card, at ilang ATM cards mula sa iba’t ibang bangko.