Ni REGGEE BONOAN

PANAY ang tawag, text at chat sa amin ng mga kaanak at kakilala namin dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa para alamin kung ano ang nangungunang pelikula sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Stars shine during the annual Metro Manila Film Fest parade at Muntinlupa on Saturday. Photo by Jansen Romero
Stars shine during the annual Metro Manila Film Fest parade at Muntinlupa on Saturday. Photo by Jansen Romero

Naglabas na kasi ng official statement ang MMFF execom na hindi sila maglalabas ng ranking ng mga pelikula para hindi maapektuhan ang choices ng mga manonood sa ano mang pelikula na gusto nilang panoorin dahil palagi nang pinagbabatayan ang may pinkamalaking kinita sa unang araw.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pero kung observant ang manonood, malalaman din naman nila kung ano ang nangungunang pelikula dahil sa haba ng pila, bilang ng sinehan at kung alin naman ang nangungulelat dahil may mga natanggal na nga sa ikalawang araw pa lang.

Nitong Lunes, Disyembre 25 ay nakita namin ang paikot na pila sa Gandarrapiddo, The Revenger Squad, Ang Panday at Meant To Beh sa Gateway Mall at ito rin ang kuwentuhan ng mga nanoood sa iba’t iba pang cinemaplex.

Marami ring nanonood ng The Haunted Forest, All of You, Deadma Walking at Siargao samantalang kakaunti ang tao Ang Larawan.

Kapag ang mall ay may apat na sinehan lang katulad ng Robinson’s Magnolia, mahuhulaan na kaagad kung ano ang nangunguna. Tulad nitong araw ng Pasko, sold out ang Ang Panday, punumpuno rin ang Meant To Beh at almost full naman ang All of Me samantalang bilang lang ang tao sa Ang Larawan.

Kinabukasan, Martes nang bumalik kami sa Robinson’s Magnolia at nagulat kami dahil tinanggal na ang Ang Larawan at ipinalit angGandarrapiddo The Revenger Squad na jampacked ang tao.

Nakalulungkot ang sinapit ng pelikula nina Rachel Alejandro, Joanna Ampil at Paulo Avelino dahil iilang sinehan na lang ang okupado at in fairness naman sa Robinson’s Galleria, Metro East at Vertis North ay hindi naman sila na-pull out sa ikalawang araw ng MMFF. ‘Yun nga lang, nawala na rin sila sa Trinoma Mall.

Hindi rin naman masisisi ang theater owners dahil negosyo ito at anong negosyo ba naman ang ayaw kumita?

Anyway, may nakatsikahan kaming manonood na nagandahan sa Ang Larawan pero hindi pa raw talaga handa ang mga Pinoy sa local na musical.

“Maganda ang Larawan, magaling si Joanne Ampil. Joanne was very good in scenes that requires singing and acting.

Medyo sumablay lang siya sa dialogue with Paulo (Avelino) when he revealed the truth that she ordered Paulo to seduce Rachel (Alejandro) para hindi sa kanya ang burden ng pagbenta ng Larawan. Nakulangan kami sa kanya (Joanne), but she was brilliant. Mas napansin siya than Rachel.

“However, the cinematography was dark and blurred. What really made it brilliant was the actors/singers. Lahat sila magagaling but Joanne stood out because she had the best role. Konti lang nanonood, hindi pa ready ang Pinoy sa local musical.”

Tungkol naman sa ibang MMFF entries, maingay ang Siargao nina Erich Gonzales, Jasmin Curtis Smith at Jericho Rosales dahil marami ang nagsi-share sa social media na nagustuhan nila sa pelikula lalo na ang magagandang shots ni Direk Paul Soriano.

Kaya naman panay ang retweet ni Direk Paul ng magagandang feedback sa pelikula nila.

Maganda rin ang feedback sa All of Me na inire-re-post naman ng Quantum producer na si Atty. Joji Alonso sabay pasalamat sa lahat ng tumangkilik.

Hindi rin naman nakalilimot sa supporters sinaVice Ganda at Coco Martin na ipino-post nila sa kani-kanilang IG at Twitter accounts.

[gallery ids="280264,280265"]