Ni Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac – Labinlimang katao ang nasugatan makaraang magkarambola ang sampung sasakyan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), sa may Barangay Parang, Concepcion, Tarlac, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni PO2 Manuel Aguilar ang mga nasugatan na sina Rodrigo Sabillo, 46, driver ng Isuzu D-Max (ABG-7768); Aaron Ross Lacap, 31, ng Valenzuela City, driver ng Toyota Innova (PMO-430); Ronald Mangoba, 46, may asawa, ng Angono, Rizal, driver ng Toyota Revo Sport Runner (WRG-179), at pasaherong si Hilda Mangoba.

Sugatan din ang driver ng Toyota Fortuner (A1F-677) na si Kenneth Paul Isip, 24, ng Valenzuela City; Fausto Vitug, 38, may asawa, taga-Mandaluyong City, driver ng Toyota Avanza (NDO-838); Romeo Laxamana, driver ng Nissan Urvan (ZGA-396), at pasaherong sina Leticia Buan at Patricia Parcher, pawang taga-Pampanga.

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Nasugatan din sa karambola sina Marlon Estanido, 42, driver ng Mitsubishi Mirage (BIG-899), at pasaherong sina Adelaida Estonido, at Pianne Estonido y Bautista, pawang taga-Arayat, Pampanga; Jett Majan, 22, ng Candaba, Pampanga, driver ng Hyundai Galloper (YEH-722); Gino Paulo De Guzman, 31, may asawa, ng Imus, Cavite, driver ng Honda Jazz (DU-2237); at Joseph Conrad Derama, ng Cainta, Rizal, driver ng Toyota Hi-Ace van (ZHP-753).