Ni Leslie Ann G. Aquino

Idiniin na ang Pasko ay panahon para isipin ang ibang tao, umaapela ang mga lider ng Simbahang Katoliko ng tulong para sa mga biktima ng bagyong “Urduja” at “Vinta” sa Visayas at Mindanao kamakailan.

“We appeal to you this Christmas and even in the coming days to help our brothers and sisters especially in Visayas and Mindanao,” panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Radyo Veritas.

“We at Caritas Manila are ready to accept your donations which we will bring to the different churches and dioceses in Mindanao. Please let us be merciful as Christmas is the time when we should think about helping others,” dagdag niya.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Sinabi ng social action arm ng Archdiocese of Manila na maaaring magbigay ang publiko ng cash or in-kind, gaya ng bigas.

Sa mga nais mag-donate ng pera, maaari itong idaan sa online via http://ushare.unionbankph.com/caritas/ o sa bank deposit: Banco De Oro - Savings Account No.: 5600-45905, Bank of the Philippine Islands - Savings Account No.: 3063-5357-01 or Metrobank - Savings Account No.: 175-3-175069543

Para sa dollar accounts: Bank of the Philippine Islands - Savings Account No. 3064-0033-5 Swift Code - BOPIPHMM o Philippine National Bank - Savings Account No. 108566600025 Swift Code - PNBMPHMM.

Maaari ring ibigay ang mga donasyon sa pamamagitan ng Cebuana Lhuillier o ihulog sa Caritas Manila office: 2002 Jesus St. Pandacan, Manila or Radio Veritas in West Ave. corner EDSA, Quezon City.

Lumilikom din ang Philippine Council of Evangelical Churches ng mga donasyon para sa mga biktima ng bago.

Sinabi ng pangulo ng Philippine Relief and Development Services na maaaring ipadala ang mga donasyon sa PHILRADS: BDO Anonas-Kamias Branch PHP Account: SA No. 003980000251 at USD Account: SA No. 103980032226