Ni BRIAN YALUNG

HINDI magkandaugaga ang sambayanan sa pagtanggap sa malalaking kaganapan sa Philippine sports sa taong 2017. Mula sa basketball, boxing at national meet, magkasalong tagumpay at kontrobersya ang pinagsaluhan ng bayan.

Nangunguna sa listahan bilang may pinakamaraming 'shared' sa Manila Bulletin Sports Online ang kontrobersyal na trade sa PBA at ang sopresang pagkatalo ni Manny Pacquiao sa Olympian na si Jeff Horn ng Australia.

1. Chris Ellis, ipinamigay ng Ginebra sa Blackwater

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Chris Ellis (JAY GANZON)Nangunguna sa listahan ng MB Sports Online ang usap-usapang trade ng Ginebra kay Chris Ellis. Nitong Agosto, ipinamigay ng Gin Kings ang high-flying guard sa Blackwater Elite kasama si Dave Marcelo kapalit nina Art Dela Cruz at Raymond Aguilar.

Marami ang namangha sa aksiyon ng Ginebra bunsod ng katotohan na high-valued ang tinaguriang “Air Force” Ellis.

Ngunit, hindi rin nakapaglaro si Ellis bunsod ng injury at kalaunan ay naging free agent sa merkado.

2. Pagpabor ni Marquez kay Pacquiao

Ginulantang ang boxing community nang matalo ang eight-division world champion na si Manny Pacquiao kay Australian Jeff Horn via unanimous decision nitong Hulyo. Marquez_JPEG (story 2 photo) copy copyNagpupuyos ang mga boxing experts sa kinahinatnan ng laban kung saan dominante ang Filipino champion mula simula hanggang huling batingaw.

Maging si Juan Manuel Marquez, ang mahigpit na karibal ni Pacquiao mula noong 2012, ay tinuligsa ang kinalabasan ng laban at iginiit na tunay na panalo si Pacman laban sa 24-anyos na si Horn.

Sa panayam ng ESPN Deportes,sinabi ng 43-anyos na si Marquez walang kapana-panalo si Horn at binira ang pagiging incompetent.

3. 'Super player' ipinamigay ng Kia

Christian StandhardingerKaliwa’t kanang batikos ang inabot ni PBA Commissioner Chito Narvasa nang payagan niya ang trade sa pagitan ng KIA at San Miguel Beer kung saan napunta sa matatag nang San Miguel Beer ang top pick at Gilas Pilipinas member 6-foot-7 Christian Stanhardinger. Naging matindi ang ratratan ng mensahe sa social media bunsod nang katotohanan na talong-talo ang KIA dahil tatlong bench-warmer player ang kapalit ni Standhardinger.

Pitong miyembro ng PBA Board na mas kilala bilang 7-man MVP Group ang nagpasa ng resolusyon na nagpapatalsik kay Narvasa bunsod nang kabiguan maabatan ang klarong agrabyado ang KIA sa naturang trade. Umabot sa puntong nagkabanggaan ang 5-man group na mas kilala bilang ‘Ramon Ang’ group at ang MVP group dahil sa palitan ng maaanghang pnanalita laban kay Narvasa.

Bago ang season opening para sa taong 2018, nagbitiw si Narvasa sa pagiging PBA Commissioner.

4. Bigong Grand Slam bid ng Beermen

Leo_Austria -pba 16 copyKinapos ang San Miguel Beermen para sa isa na namang Grand Slam sa PBA. Nakopo ng Beermen ang Philippine Cup laban sa sister team Barangay Ginebra at Commissioners Cup kontra TnT KaTropa, ngunit nabigo ang SMB sa Governors Cup.

Bunsod nang kabiguang makakuha nang mas malakas na import, lungayngay ang Beermen sa Gin Kings – ang koponan na tinalo nila sa Philippine Cup.

5. Ateneo Blue Eagles bilang UAAAP champion

Ateneo's Thirdy Ravena celebrates as they beat La Salle during the UAAP Season 80 Finals Game 3 at Smart Araneta Coliseum, December 3, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)Muling nabuhay ang hidwaan ng DLSU Green Archers at Ateneo Blue Eagles sa UAAP Season 80, ngunit ang Katipunan-based cagers, sa pagkakatong ito, ang umuwing nagdiriwang

Sa pangangasiwa ni coach Tab Baldwin, naungusan ng Blue Eagles ang Archers sa best-of-three title series.

6. Nabalewala ang elims sweep ng Lyceum kontra Red Lions.

San Beda's Donald Tankoua (right) appears to push the nose of Lyceum's CJ Perez during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, October 19, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)Agaw atensyon ang Lyceum Pirates sa NCAA Season 93 matapos an g makasaysayang sweep sa double elimination ng Intramuros-based cagers sa pangunguna ni CJ Perez.

Liyamado ang Pirates, ngunit ipinamalas ng Red Lions ang tapang ng isang tunay na kampeon nang pabagsakin ang Pirates at muling tanghaling kampeon .

Usap-usapan din sa social media ang mga sumusunod:

  • PH Dragon Boat team na gumawa ng world record sa matikas na kampanya (tatlong ginto) nitong Hulyo 2017
  • Tinanghal na kampeon sa HongKong International Rhythmic Gymnastics si Breanna L. Labadan, 11-year-old category of the Hongkong International Rhythmic Gymnastics competition
  • Pagwawagi ni Maria Dessa Delos Santos ng tatlong silver medal sa Asian Youth at Junior Weightlifting Championship
  • Pagkapanalo ni Jerwin Ancajas kontra Japanese challenger Teiru Kinoshita para maidepensa ang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight crown