Ni Marivic Awitan
Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Center)4:15 n.h. -- Phoenix vs Kia
7:00 n.g. -- Meralco vs San Miguel Beer
MAKASALO ng solong lider NLEX sa pamumuno ang tatangkain ng defending champion San Miguel Beer at Meralco sa kanilang pagtutuos ngayong gabi sa tampok na laro ng nakatakdang double header sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.
Mag -uunahang makapagtala ng kanilang ikalawang sunod na panalo ang Beermen at Bolts sa kanilang pagtutuos ganap na 7:00 ng gabi kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng Phoenix at Kia Picanto ganap na 4:15 ng hapon.
Unang tinalo ng Beermen noong opening day ang Fuel Masters ,104-96, habang dinaig naman ng Bolts sa una nilang laro ang Blackwater Elite,103-98.
Nagsanib puwersa sina reigning 4-time MVP Junemar Fajardo, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter at nagtala ng mahigit tig -20 puntos sa season opening win ng Beermen.
Sa kanilang ikalawang pagsalang, paborito muli ang tropa ni coach Leo Austria kontra sa pilay na roster ng Bolts ni coach Norman Black..
Isinalba ng dating Elite wingman na si KG Canaleta ang Bolts sa duwelo kontra Blackwater.
Kasama ni Canaleta, sasandigan ni Black upang punan ang puwang na naiwan ng injured na sina Kelly Nabong at Reynel Hugnatan ang mga bagong recruits na sina Bryan Faundo at Jason Ballesteros .
Ngunit, mabigat na hamon para sa kanila kung paano pipigilin si Fajardo maging si Arwind Santos.
Bukod sa mga bagong recruits, aasahan din ni Black ang mga mainstays na sina Jared Dillinger, Baser Amer at Chris Newsome.
Samantala sa unang salpukan , mag -uunahan namang mak
apagtala ng unang panalo ang Phoenix at Kia na kapwa bigo sa una nilang outing ngayong season.