Ni Gilbert Espeña
NANGAKO si IBF light flyweight champion Milan Melindo na aagawin ang korona ni WBA light flyweight titleholder Ryoichi Taguchi sa kanilang unification match sa Linggo ng gabi sa Ota-City General Gymnasium sa Tokyo, Japan.
Umalis kahapon si Melindo kasama ang kanyang trainer na si Edito Villamor taglay ang pag-asang tatalunin ang 31-anyos na si Taguchi tulad ng pag-agaw niya ng IBF title sa dating kampeon na Akira Yaegashi via 1st round knockout noong nakaraang Mayo sa Japan din.
May kartadang 37-2-0 na may 13 pagwawagi sa knockouts, nangako si Melindo na hihigitan ang 12-round split decision na panalo laban kay South African Hekkie Budler nitong Setyembre 16 sa Cebu City.
“Handang-handa na ako, gusto kong pag-isahin ang lahat ng titulo sa light flyweight division,” sabi ni Melindo.
“Kumpleto na ang sparring ko at nakahanda ako sa estilo niya bilang body puncher.”
Batid ni Melindo na kailangan niya ang mas mabilis na counter-punching kung gusto niyang magwagi laban kay Taguchi na may kartadang 26-2-2 win-loss-draw na may 12 panalo sa knockouts.
Gusto rin ni Melindo ang impresibong pagwawagi sa harap ng Japanese crowd tulad ng panalo niya laban sa three-division titlist na si Yaegashi na nagretiro na sa boksing.
Hahamunin naman ni WBC light flyweight champion Ken Shiro na isa ring Hapones ang magwawagi kina Melindo at Taguchi.
“I am looking forward to the title unification between Taguchi and Melindo very much. I think it will be a good fight. Of course, I am rooting for my countryman Taguchi to get the win,” sabi ni Shiro sa Fightnews.com. “Of course, I would like to face the winner. But first I have to win my upcoming fight so now I solely concentrate on this challenge.”