Ni Bert de Guzman

MAY 87 pulitiko, kabilang ang mga kongresista, mayor at vice mayor, ang nasa tinatawag na narco list o listahan ni Pres. Rodrigo Roa Duterte. Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino kaugnay ng giyera sa ilegal na droga ng Pangulo, na umano’y nakapatay na ng mahigit 4,000 drug pushers at users (ayon sa PNP) ngunit sa tala ng ibang sources ay mahigit na sa 10,000 tulak at adik ang naitutumba ng mga pulis ni Gen. Bato at ng vigilantes.

Umaasa ang taumbayan na hindi puro paghahayag at puro bintang lamang ang gagawin ng PDEA, PNP at mismo ni PRRD tungkol sa mga pulitikong nasa drug list. Kailangang isailalim sila sa proseso, usigin, kasuhan at ipabilanggo. O kaya naman ay ipatumba ni Gen. Bato tulad ng pagpapatumba kina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at Albuera (Leyte) Mayor Rolando Espinosa.

Kung papaano raw binabaril at pinapatay ang mga ordinaryong nakatsinelas na pushers at user ng mga pulis kaugnay ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel, dapat din daw itumba ang 87 pulitiko na maituturing na ring drug lords at big-time shabu suppliers. Kasama sila sa pagkakalat ng shabu supplies kaya may naibebenta at nagagamit ang mga tulak at adik.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Baka raw palakpakan pa ng mga tao ang mga pulis ni Bato at sabihing nasa tamang direksiyon ang illegal drug war ni Mano Digong kung ang hahandusay naman sa mga mansiyon at maluluhong lugar ay mga kongresista, mayor at vice mayor na sangkot sa droga. Nagtatanong lang, wala kayang kasapi ng Senado na sangkot sa droga?

May pangambang baka maparalisa ang buong industriya ng enerhiya (power industry) at mawalan ng kuryente ang maraming lugar sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan ng mahabang panahon bunsod ng year-long-suspension ng apat na komisyoner ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Mismong si bagong hirang na ERC chairperson at chief executive officer Agnes Devanadera ang nagpakita ng ganitong senaryo bilang reaksiyon sa suspensiyon na ipinataw ng Office of the Ombudsman kina Commissioners Alfredo Non, Gloria Yap-Tarlac, Josefina Patricia Magpale-Asirit at Geronimo Sta. Ana. Ayon sa kanya, may P1.59 bilyong halaga ng power service applications ang naghihintay ng agarang atensiyon. ... Ang kaso raw laban sa apat na suspendidong opisyal ay makaaapekto sa capital expenditures ng mga kumpanya na may kinalaman sa posibleng anomalya, kabilang ang Meralco.

‘Pag nagkataon at hindi naayos ang kontrobersiya sa ERC na isang collegial body na kailangang may apat na komisyoner na responsable sa mga isyu tungkol sa elektrisidad, baka dumanas sina Juan dela Cruz, Pedro Pasang-Hirap at Mariang Tindera ng kawalan ng kuryente ngayong tag-araw na lubhang napakainit!