Ni Marivic Awitan

DAHIL bagito pa lamang na koponan, umaasa ang Mila’s Lechon na magkakaroon ng isang maituturing na team leader sa kanilang pagkampanya sa darating na PBA D League Aspirants Cup.

Kinuha ng koponan at inaasahan nilang syang magbibogay ng hinahanap nilang leadership ang dating University of the East standout na si Marcy Arellano.

Inaasahang makakabalikat ang 31-anyos na play maker ng kanilang coaching staff lalo na paggabay sa mga baguhang players sa pagsalang nila sa developmental league.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Sa kasalukuyan, halos kinukumpleto pa lamang ng Mila’s Lechon ang kanilang roster ngunit nakakuha na sila ng ilang mga dating collegiate stars na nagsipagtapos sa kanilang playing years sa college gaya nina dating Mapua cagers Andoy Estrella at Leo Gabi.

Kasama ni Arellano na magiging gabay sa mga baguhang kakampi sina Mike Parala at Mark Sarangay na kapwa dati ring produkto ng Mapua sa NCAA. .

Inaasahang mabubuo ang koponan na hindi pa rin pinapangalanan kung sino ang tatayong mentor bago matapos ang taong 2017,

At dahil sa pinaghalong mga beterano at nag batang manlalaro, umaasa ang pamunuan ng Mila’s Lechon na lalaban ang kanilang koponan kontra sa mga makakatunggaling mga school based squads.