Ni LITO T. MAÑAGO

NGAYONG gabi gaganapin ang pinakahihintay na sandali ng fans, industry people at moviegoing public para sa ika-43rd edition ng Gabi ng Parangal ng 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Derek, Jennylyn copy

Sa Kia Theater ito gagawin at inaasahan ang pagdalo ng mga artistang may pelikulang kalahok sa ongoing Metro Manila filmfest.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Walong pelikula ang lumusot sa panlasa ng MMFF selection committee at nagsimula itong ipalabas nitong Christmas Day, December 25, at magtatapos sa January 7, 2018.

Bukod sa Parada ng mga Bituin, ang awards night ang isa sa mga inaabangang events ng MMFF.

Ang walong pelikula na eligible para sa iba’t ibang katergorya ng MMFF ay binubuo ng All Of You nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay na co-production venture ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, MJM Productions at Globe Studio; Ang Panday ni Coco Martin na siya rin ang bida, director at isa sa producers ng pelikula, kasama ang Star Cinema at Viva Films;

Deadma Walking, starring Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa ng T-Rex Entertainment Productions at OctoArts Films na directorial debut ni Julius Alfonso; Ang Larawan na prodyus ng Culturtain Musicat Productions at pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Joanna Ampil at Rachel Alejandro;

Pinagbibidahan naman nina Vic Sotto, Baste at Dawn Zulueta ang Meant To Beh na dinirehe ni Chris Martinez at prodyus ng M-Zet TV Productions, OctoArts Films at APT Entertainment; Siargao nina Jericho Rosales, Erich Gonzales at Jasmine Curtis Smith, mula sa direksiyon ni Paul Soriano at prodyus ng Ten17P;

Bida naman ang apat na Kapamilya stars na sina Jameson Blake, Maris Racal, Jon Lucas at Jane Oineza sa Haunted Forest ng Regal Entertainment mula sa direksiyon ni Ian Loreños; at Gandarrarapido: The Revenger Squad, starring Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach, mula naman sa Star Cinema at Viva Entertainment.

May mga lumalabas ng fearless forecast sa social media at iba pang flatform.

Para sa Best Picture, maglalaban-laban ang All Of You, Ang Larawan, Siargao at Deadma Walking. Ang aming personal choice: ang dalawang nauna.

Sa Best Supporting Actor category, lumalabas ang mga pangalan nina Robert Arevalo at Sandino Martin (para sa kanilang role sa Ang Larawan; ang aming choice: Sandino Martin.

Sa kategoryang Best Supporting Actress, matunog ang pangalan ni Jasmine sa maikli pero markadong papel sa Siargao at siya rin ang aming personal choice. Malaki rin ang laban ni Dimples Romana para sa kanyang pagganap sa Deadma Walking.

Sa Best Actor, lumulutang ang mga pangalan nina Derek (All Of You), EA at Joross Gamboa (Deadma Walking). Our choice: Derek and EA.

Para sa coveted Best Actress trophy, matunog ang pangalan nina Jennylyn (All of You) at Joanna (Ang Larawan). Ang aming bet: Jennylyn.

Sa Best Director, it will be between Dan Villegas (All Of You), Loy Arcenas (Ang Larawan) at Julius Alfonso (Deadma Walking). Ang choice namin: Direk Dan or Direk Loy.

It’s still everybody’s game. Ang tamang kasagutan ay malalaman lang natin tonight kapag binasa na ng presenter/s ang envelop na naglalaman ng winner/s na ibinoto ng mga MMFF jury.

Good luck at congratulations in advance sa mga magwawagi sa 43rd Metro Manila Film Festival awarding rites.