Ni Francis T. Wakefield

Inaresto ng mga tropa ng gobyerno nitong Linggo ang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Zamboanga City.

Ayon sa mga report mula sa Joint Task Force Zamboanga, Central Police Station/Police Station 11 (PS11) ng Zamboanga City Police Office, at Naval Forces Western Mindanao, sa pamamagitan ng Naval Intelligence and Security Group-Western Mindanao, kinilala ang naaresto na si Bensar, alyas “Pandak Duma”, umano’y miyembro ng Abu Sayyaf.

Dinakip si Bensar sa Talungon Drive sa Barangay San Roque, Zamboanga City, at may nakabimbing arrest warrant sa kidnapping at serious illegal detention.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder