PAKITANG-GILAS ang magkapatid na Vic at Froilan Saludar, gayundin si Robert Paradero nitong Sabado sa Enan Chiong Activity Center sa Naga City.

Naungusan ng dating world title contender na si Vic sa 10-round minimumweight, ang karibal na si Lito Dante via decision.

Nasugatan si Dante sa kaliwang kilay at ginamit itong bentahe ni Saludar para makuha ang iskor na 97 at 93 mula kina judges Edward Ligas at Edgar Olalo, gayundin ang 98 at 96 mula kina judge Arnel Pasion.

Bunsod ng panalo, nahila ni Vic, ranked No. 2 sa WBO, ang marka sa 16-3 kung kayat inaasahan itong mabibigyan ng pagkakataon na umusad sa WBC ranking .

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Sa co-featured matchup, nagwagi rin ang utol niyang si Froilan Saludar (27-2-1, 18KOs), kontra Rogen Flores (14-40-6, 7KOs) via TKO may 1:59 sa unang round. Napabagsak ni Froilan ang karibal nang tamaan ng right straight. Nagdesisyon si referee Tony Pesos na itigil ang laban nang hindi na nakatayo ang karibal.