NAKOPO ni Filipino Grandmaster Mark Paragua ang kampeonato sa Winter Chess Championship kamakailan sa Milpitas, California.

Ginapi ng pambato ng Bulacan si Steven Zierk sa ikalimang round para sa kabuuang 4.5 ppuntos sa loob ng limang laro. Tumapos si Paragua na katabla si Cameron Wheeler, ngunit nakuha niya ang titulo tangan ang mas mataas na quotient.

Naiuwi ni Teddy Coleman ang ikatlong puwesto na may 4.0 puntos.

Pumang-apat ang isa pang Pinoy na si Conrado Diaz, isang ertified United States Chess Fedeation (USCF) master nang magapi si Eliam Chang at pumitas sa ika-apat hanggang ikawalong puwesto, kasama sina GM Conrad Holt, Ivan Ke, Philip Perepelitsky at David Rupell.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL