MAGKARIBAL para sa magkahiwalay na koponan ang magkapatid na Marissa Brandt at forward Nicole Schammel sa hockey game sa South Korea Winter Olympics. (AP)

MAGKARIBAL para sa magkahiwalay na koponan ang magkapatid na Marissa Brandt at forward Nicole Schammel sa hockey game sa South Korea Winter Olympics. (AP)
VADNAIS HEIGHTS, Minnesota — Nagsasanay si Marissa Brandt para sa kampanya ng hockey team sa kanyang eskwelahan nang makatanggap ng tawag sa phone.

Sa kanyang pagsagot, hindi niya sukat akalain na simula ito ng pagbabago ng kanyang buhay at career,

Naghahanda ang South Korea para sa binubuong national hockey team na isasabak sa 2018 Winter Olympics at inanyayahan siya – bilang South Korean national – na sumapi.

Pinaunlakan niya ang paanyaya at mula sa Minnesota nagbalik-bayan siya sa bansan gpinanganakan niya at nilisan nang siya’t apat na taong gulang pa lamang.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I’m happy I took that leap of faith,” aniya.

Matapos makapasa sa tryouts, isa na siyang ganap na South Korean citizen at top player ng koponan.

Ngunit, ang naiwan sa Amerika na kapatid na si Hannah Brandt ay swerte namang napabilang sa Team USA, dahilan upang magkaroon ng tsansa ang kanilang magulang na sina Greg at Robin na mag-cheer sa magkahiwalay na koponan para suportahan ang anak sa Pyeongchang Winter Games sa Pebrero.

“It would be fun to play her in the Olympics,” pahayag ni Marissa. “Not awkward at all.”

Tunay na walang dahilan para magkaroon ng alinlangan, sakabila ng katotohanan na magkapatid sila, ngunit hindi sa dugo. Inanpon lamang ng pamilya si Marissa. Sa kabila nito, masayang nagsama ang magkapatid.

“We were best friends,” pahayag ni Hannah.

“Even though she’s younger than me. I look up to her in so many ways,” sambit ni Marissa.