Makaraang gumamit ng ilegal na paputok, isang 29-anyos na lalaki sa Pangasinan ang unang naputulan ng bahagi ng katawan ngayong taon, iniulat kahapon ng Department of Health (DoH).

Ayon s “Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 Report No. 4”, naputulan ng bahagi ng katawan ang lalaki matapos gumamit ng Boga, isang ilegal na paputok.

“A blast injury with amputation due to Boga was reported,” ayon sa DoH. “This is a case of a 29-year-old male from Basista, Pangasinan and admitted at Region I Medical Center.”

Gayunman, hindi na naglabas ng iba pang detalye ang kagawaran kaugnay ng insidente.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, bumaba ang bilang ng mga nabibiktima ng paputok ngayong taon, kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2016.

Ayon sa report, may kabuuang 14 firecracker-related injuries ang naitala simula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 25.

“This is 37 cases [or 73 percent] lower than the five-year average and 22 cases [or 61 percent] lower than the same time period last year,” anang DoH.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo na inaasahang mababawasan ng 50% ang mga kaso ng pagkasugat dahil sa paputok ngayong taon dahil sa pagpapatupad sa nationwide firecrackers ban.

“Last year, we recorded a 32 percent reduction in injuries due to rumors that there will be a ban. So this year we see further reduction of 50 percent now that the ban is already in place,” ani Bayugo.

Pawang bata, kabilang ang isang 11-buwan, ang unang limang nasugatan sa paputok ngayong buwan, ayon sa DoH. - Charina Clarisse L. Echaluce