APAT sa mga pinakadinumog na Kapamilya concerts, limang pelikulang pangpamilya, at tampok na MMK specials ang magbibigay ng kulay sa Jeepney TV ngayong Kapaskuhan.

Makisaya kasama ang hinahangaang Kapamilya stars na sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Jerome Ponce, Janella Salvador, at Marlo Mortel sa Be Careful With My Heart thanksgiving concert; Coco Martin, Arjo Atayde, Yassi Pressman, Bella Padilla, at Maja Salvador sa FPJ’s Ang Probinsyano anniversary concert; at Bea Alonzo, Ian Veneracion, Iza Calzado, Enchong Dee, JK Labaho, Julia Barretto, at Ronnie Alonte sa A Love To Last thanksgiving concert sa pag-ere ng Kapamilyas in Concert sa nasabing cable channel sa buong linggo ng Kapaskuhan.

Dagdag kilig at pag-ibig naman ang hatid nina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang kahanga-hangang performances sa JaDine in Love concert.

Higit namang papasayahin ng Jeepney TV ang bonding ng pamilya sa “Pasada Pelikula” tampok ang Tagalized movies tulad ng animated adventure-comedy film na Rio, animated fantasy na Arthur and the Invisibles, feature adaptation ng graphic novel na Pixies, ang nakakatawang American family film na Baby Geniuses, at ang Quest For A Heart.

Vic Sotto sa pagsampa niya ng cyberlibel vs Darryl Yap: ‘Ako ay laban sa mga iresponsableng tao’

Huwag rin palampasin ang throwback MMK Christmas Specials na eere buong linggo ng Pasko tuwing 11 PM.

Samantala, ipapalabas na rin sa cable channel ang 2016 South Korean action drama na The K2 tampok sina Ji Chang-wook, Im Yoon-ah at Song Yoon-ah, at ang 2009 Philippine fantasy romantic drama na “Kambal sa Uma” kasama sina Melissa Ricks, Matt Evans, at Shaina Magdayao kahapon, 11:20 AM hanggang 2:45 PM.

Magbabalik-tambalan naman sina Coco Martin at Julia Montes sa pag-ere sa Jeepney TV ng romantic drama na Walang Hanggan simula rin kahapon hanggang Biyernes, 12:15 PM.

Huwag palampasin ang Kapamilyas in Concert, Lunes hanggang Huwebes (Dec. 25 hanggang 28), 9 PM at ang Pasada Pelikula, Lunes hanggang Biyernes, 5 PM sa masayang selebrasyon ng Pasko ng Jeepney TV, na Napapanood sa SkyCable Channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa karagdagang updates, i-like ang Jeepney TV sa Facebook (facebook.com/Jeepney TV) o bisitahin ang www.jeepneytv.ph.