LONDON (AP) — Wala nang nagbabawal kay dating world heavyweight champion Tyson Fury na umakyat sa lona at makipaglaban.
Kamakailan, tinanggap ang kanyang apela para sa retroactive sa sentensyang ipinataw sa kanya sa loob ng dalawang taon.
Natagpuan sa urine sample ni Fury at pinsan na si Hughie ang mataas na level ng nandrolone sa kanyang laban noong February 2015, ayon sa UK Anti-Doping.“Hughie and I have maintained our innocence from day one,” pahayag ni Tyson sa opisyal na pahayag na ibinigay sa media. “And we’re now happy that it has finally been settled with UKAD and that we can move forward knowing that we’ll not be labelled drug cheats.
“I can now put the nightmare of the last two years behind me.”
Kakailanganin lamang ni Fury na mag-apply ng bagong boxing license matapos masuspinde ng British Boxing Board of Control sa nakalipas na taon. Bunsod ng isyu sa droga, hindi na lumaban si Fury mula nang gapiin si Wladimir Klitschko noong November 2015 para makamit ang korona sa WBA, IBF at WBO.