Inabsuwelto ng Sandiganbayan Fifth Division si dating Mambusao, Capiz Mayor Jose Alba Jr. para sa kasong graft, dahil nabigo ang prosekusyon na patunayang nagkasala ang dating alkalde.

Inakusahan si Alba nag paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, makaraang tumangging lagdaan ang Performance Evaluation Report para sa Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2005 at ang Performance Target para naman sa Hulyo 1 hanggang Disyembre 31, 2005 ni Municipal Budget Officer Alma D. Moises.

Tumanggi si Alba na lumagda “without any legal or valid reason, which refusal of the accused resulted to the deprivation of Moises’ Productivity Incentive Bonus worth P2,000,” nakasaad sa kasong isinampa sa kanya.

Noong Setyembre 11, 2014, nag-plead ng not guilty si Alba at kalaunan ay natukoy ng korte na walang patunay na nagkaroon ng masamang intensiyon o may pinapanigan si Alba. - Czarina Nicole O. Ong

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji