Sa kabuuan ng Nobyembre, nagtala ng 33.3 percent na total week average audience share ang DZBB 594 kumpara sa 28.8 percent ng DZMM at 11.2 percent ng DZRH.
Bukod sa paghahatid ng DZBB ng mga balitang walang kinikilingan, patuloy rin ito sa pagbibigay ng mga komentaryo tungkol sa mahahalagang isyu na kinakaharap ng bansa kaya naman patok na patok ito sa mas maraming listeners.
Mula Lunes hanggang Biyernes, marami ang nakikinig sa Saksi sa Dobol B ni Mike Enriquez; Sino? ni Mike, Arnold Clavio, at Ali Sotto; Super Balita sa Umaga Nationwide ni Mike at Joel Reyes Zobel; at Dobol B Balitang-Balita ni Melo del Prado.
Pagdating naman ng Sabado at Linggo, nakatutok pa rin ang mga tagapakinig sa public service program ng DZBB na MMDA sa GMA ni Orly Trinidad kasama ang MMDA; Super Balita sa Umaga Saturday and Sunday Edition nina Sam Nielsen at Cecil Villarosa; Super Radyo Nationwide ni Francis Flores; at Buena Manong Balita kasama si Rowena Salvacion.
Buong puso naman ang pasasalamat ni GMA Network Vice President for Radio Operations Glenn Allona sa walang sawang pagsuporta ng mga listeners nito. “Ang pagiging number one ng DZBB ay patunay na mas marami pang Pilipino ang tumatangkilik sa balitang walang kinikilingan at walang pinoprotektahan. As our way of appreciation here at DZBB, mas lalo pa naming pagsisikapang makapaghatid ng Serbisyong Totoo sa ating mga Kapuso.”
Ang DZBB ay isa sa most awarded radio stations sa bansa. Kamakailan lang ay pinarangalan ito bilang Radio Station of the Year sa 7th People Management Association of the Philippines (PMAP) Makatao Awards for Media Excellence.
Mapakikinggan ang DZBB sa AM frequency 594, at online audio-stream sa www.gmanetwork.com/radio/DZBB.
Maaari ring mapanood ang Super Radyo DZBB at Dobol B sa News TV mula Lunes hanggang Biyernes mula 6:00 hanggang 11:00 AM sa GMA News TV Channel 11 at GMA News TV International.