Ni Reggee Bonoan
ALL’S well that ends well between Coco Martin at Vice Ganda. Si Panday na mismo ang nag-initiate ng move at umakyat sa float ng The Revenger Squad para yakapin ang huli.
Napatunayan din naman ang palaging sinasabi ni Vice na hinding-hindi sila puwedeng mag-away ni Coco dahil maging noong mga panahon na wala pa silang pera ay magkakilala at magkaibigan na sila, ganoon na kalalim ang pinagsamahan nila at hindi basta-basta mababalewala iyon.
Gayundin si Coco, never niyang makakalimutan ang pagkakaibigan nila, kaya ang mga bali-balita na mayron silang hind pagkakaunawaan ay lumabas na intriga lang talaga.
Ipinakita ng dalawang money-maker ng ABS-CBN at Star Cinema na wala silang pinagkakagalitan at marami ang nakasaksi sa pagyayakapan at pag-uusap nilang dalawa sa Parade of Stars nitong Sabado.
Parehong nag-good luck sina Coco at Vice sa isa’t isa at dedma sila sa pressure na sinasabi ng lahat kung sino sa kanila ang magna-number one sa takilya.
Ang mahalaga ay kumita ang lahat ang mga pelikulang kasali sa MMFF para masaya at para patuloy na magkaroon ng pondo para sa beneficiaries ng filmfest.
Maging si Edgar Allan Guzman ay bumati rin kay Coco at nag-wish ng good luck sa Ang Panday at tinawag pang ‘idol’ at nangakong panonoorin ang pelikula ng huli.
Halos lahat ng mga artistang kasama sa MMFF 2017 ay nagbatian. Ganyan dapat, para damang-dama talaga ang diwa ng Pasko.