Ni Betheena Kae Unite

Inaasahan ang mas mabilis at mas ligtas na pagbibiyahe ng mga produkto sa gitnang bahagi ng Iloilo kapag nakumpleto na ang tulay na mag-uugnay sa dalawang bayan sa lalawigan.

Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinimulan na ang konstruksiyon ng Aganan Bridge, na mag-uugnay sa mga bayan ng Alimodian at Maasin.

Sa kasalukuyan, naghihintay pa ang mga residente sa nasabing mga bayan na bumaba ang tubig tuwing tag-ulan upang makatawid sa ilog at maibiyahe ang kanilang mga produkto, ayon kay DPWH-Region 6 Assistant Director Jose Al V. Fruto

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito