Isang 39-anyos na binata ang nasawi at tatlo ang nasugatan makaraang araruhin ng kotse ng isang babae ang 11 sasakyan sa Lopez Avenue, Barangay Batong Malake sa Los Baños, Laguna nitong Linggo ng umaga.

Namatay si Andrew B. Paladin, 39, binata, ng Bgy. Masaya, Bay, habang ginagamot sa Los Baños District Hospital, habang sugatan naman sina Boyet Baltazar, 56, tricycle driver; Morena Baltazar; at anak na si Mico Baltazar, 12, pawang taga-Bgy. San Antonio, Los Baños.

Sangkot sa aksidente ang 10 motorsiklo at isang kotse na nakaparada sa gilid ng south bound lane ng Lopez Avenue, habang nasa loob ng San Antonio de Padua Parish Church ang mga may-ari sa mga ito at nagsi-Simbang Gabi.

Nakatayo sa gilid ng kalsada si Paladin nang mangyari ang aksidente, habang nakasakay naman sa iisang motorsiklo ang tatlong sugatan.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

Ayon sa imbestigasyon, bandang 4:22 ng umaga nang iwasan ng Honda Civic na minamaneho ni Joanne Malayao, 26, dalaga, negosyante, at taga-Bgy. Almanza, Las Piñas City, ang isang tricycle sa gilid ng north bound lane pero nawalan ito ng kontrol sa sasakyan at inararo ang nasabing bilang ng mga sasakyan.

Ayon sa mga report, hinihinalang lasing si Malayao nang mangyari ang aksidente, at nagawa naman siyang arestuhin ng mga pulis. - Danny J. Estacio