Sinaklolohan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang may 300 overseas Filipino worker (OFW) na naipit sa Kuwait, sa pamamagitan ng pagsasaayos ng kanilang mga dokumento.

Sa ulat na ipinarating sa DoLE ng mga labor attaché mula sa Kuwait, patuloy ang pagsasaayos ng mga dokumento ng naturang OFWs upang makauwi na sa bansa.

Ayon pa sa ulat, karamihan sa OFWs ay nagdiwang ng Pasko kahapon sa tanggapan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuwait.

Karamihan sa mga ito ay biktima ng pisikal at seksuwal na pang-aabuso mula sa kanilang mga amo, habang ang iba naman ay sapilitang pinagtrabaho ngunit hindi pinasahod. - Mina Navarro

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony