BUTUAN CITY – Dalawang beses nilindol ang Surigao del Sur, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.
Wala namang naidulot na pinsala ang dalawang mahinang lindol.
Sa tala nito, nairehistro ang 3.5 magnitude na lindol dakong 7:25 ng gabi nitong Sabado.
Ang epicenter nito ay natukoy sa 44 kilometero (km) sa hilagang-silangan ng Cortes, Surigao del Sur, at may lalim na 19 km.
Una rito, naitala rin ang 2.4 magnitude na lindol bandang 6:49 ng gabi ng parehong araw.
Natukoy ang epicenter nito 19 km sa timog-silangang bahagi ng bayan ng Marihatag, na may lalim na 17 km.- Mike U. Crismundo