NGAYONG nasa rurok na ng kaabalahan at mga paghahanda para sa Pasko, tandaan na mahalagang iwasan ang stress at gamitin nang maayos ang bakasyon at magkaroon ng sapat na pahinga.
Sinabi ng tagapagsalita ng Department of Health na si Dr. Lyndon Lee Suy na pinakamainam ang panahon ng Pasko para piliing maging malusog.
Ang maagap na pagpaplano ay nakatutulong nang malaki, ayon kay Lee Suy.
“Plan Christmas activities for yourself and your family in order to prevent tension and stress,” sabi niya, at idinagdag na dapat na siguraduhing makapagpahinga nang sapat at bigyan ang isipan at katawan ng sapat na panahon para makapagpahinga.
Pinayuhan din ni Lee Suy ang publiko na maging handa laban sa mga sakit na nakukuha tuwing panahon ng taglamig.
“Take care of yourself and your family against changes in temperature. Children and adults may become susceptible to cough, colds, and fever,” aniya, at nagmungkahi na laging magsuot ng jacket at makakapal na damit.
Upang maiwasan ng mga may iniindang sakit na maospital, importante na “[be] kind to one’s heart” sa pamamagitan ng maingat na pagkain, at pagkonsumo ng masusustansiyang pagkain, ayon kay Lee Suy.
“Drink plenty of liquids — water and fruit juices — to facilitate excretion,” aniya.
Hanggang maaari, aniya, ay iwasan ang pagpunta sa matataong lugar kung saan maaaring mahawahan ng iba’t ibang sakit.
“Airy and well-ventilated areas are essential to healthy living,” sabi pa ni Suy. - PNA