ZAMBOANGA CITY – Nakakumpiska ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 2.4 kilograms ng shabu, na mahigit sa P12 milyon ang halaga, mula sa isang security guard, sa buy bust operation, sa Barangay Tetuan, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni PDEA-Region 9 Director Lyndon P. Aspacio ang suspek na si Al-Jhmer Jakilan y Unding, 33, security guard, may asawa, at taga-Isabela City, Basilan.

Sinabi ni Aspacio na aabot sa 2.4 kilo ng shabu ang narekober mula sa suspek na nagkakahalagang P12,215,000, nang arestuhin ito ng pulisya sa Estrada Drive, Tetuan.

Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na plastic sachets na may hinihinalang shabu, dalawang plastic bag ng transparent cello wrap na may hinihinalang shabu, at dalawang bundle ng P200,000 boodle money, at dalawang P2,000 buy-bust money.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kakasuhan ang suspek sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II Comprehensive Dangerous Drugs Act. - Nonoy E. Lacson