Ilang oras bago mag-Pasko, nakapag-ulat ang Department of Health (DoH) ng halos 80 porsiyentong pagbaba sa kabuuang bilang ng mga nabiktima ng paputok ngayong taon.

Ayon sa “Aksiyon: Paputok Injury Reduction 2017 Report No. 3”, lima lamang ang kabuuang naputukan sa bansa simula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 24.

“This is 16 cases [or 76 percent] lower than the five-year average and 12 cases [or 71 percent] lower than the same time period last year,” anang DoH.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo na inaasahang bababa ng 50 porsiyento ang bilang ng mga mabibiktima ng paputok ngayong holidays dahil sa pagpapatupad ng nationwide firecrackers ban.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Last year, we recorded a 32 percent reduction in injuries due to rumors that there will be a ban. So this year we see further reduction of 50 percent now that the ban is already in place,” sabi ni Bayugo.

Alinsunod sa Executive Order No. 28, ang paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon ay lilimitahan na lang sa community fireworks displays, na dapat na pangasiwaan ng isang eskperto.

Hanggang kahapon ay wala pang naitalang nakalunok ng paputok, naputulan ng bahagi ng katawan, natamaan ng ligaw na bala, o nasawi sa paputok at fireworks. - Charina Clarisse L. Echaluce