Ni REMY UMEREZ

COVER ng People Asia magazine (Dec. 18 2017-Jan. 2018) si Kris Aquino para sa pagsasapubliko ng People of the Year awardees na tanging sila lamang ni Bea Alonzo ang babaeng showbiz personality na napasama. 

Ang iba pa ay sina Basil Valdez, dating Presidente Fidel V. Ramos bilang Max Soliven Lifetime Achievement Awardee, Tim Cone, Fr. Jett Villarin, SJ, Lulu Tan-Tan, Kevin Tan, DPWH Sec. Mark Villar, Ronald Ventura at Rosalind Lee.

Sa ibabang bahagi ng cover photo ay ganito ang nakasaad. “Kris Aquino is on to of her game with a Hollywood movie and a budding online empire -- sans TV network (and a man to call her own).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

 Isang pagbabadya na lalo pang magiging abala si Kris sa papasok na taon. Gagawa siya ng dalawang pelikula na ang isa ay si Chris Martinez ang magdidirek. 

Pero tulad ng inaasahan, may ilang netizens na hindi sumang-ayon sa choice ng People Asia na tanghaling People of the Year si Kris. Tila ginawa nang panata ng ilang ito na palaging pulaan si Kris sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Gayunpaman, mas marami ang natuwa.

Ang sa amin naman, hindi hiningi ni Kris ang award kundi kusang ibinigay sa kanya.

Sa totoo lang, may isa pang award na angkop na angkop na dapat ibigay kay Kris at ito ay ang Mother of the Year award. Mag-isa niyang pinalalaki ang dalawang anak and she raised them well. 

Positibo kaming marami ang sasang-ayon sa aming observation.

More than her career, prioridad ni Kris ang dalawa niyang anak. They are her priceless possessions.