WALANG bakasyon kay reigning International Boxing Federation (IBF) light-flyweight champion Milan Melindo.

Habang ang sambayanan ay magdiriwang ng Bagong Taon sa kani-kanilang mga tahahan kasam ang pamilya, nasa Tokyo, Japan si Melindo para sa unification match kay World Boxing Association (WBA) counterpart Ryoichi Taguchi.

Tunay na umiwas sa kasiyahan ang 29-anyos na si Melindo para ituon ang isip sa pagsasanay upang maihanda ang sarili sa kanilang duwelo ni Taguchi sa Disyembre 31 sa Ota City General Stadium.

“Kailangan talaga mag sakripisyo. Para naman din ito sa pamilya ko at sa bayan,” pahayag ni Melindo sa text message na ipinadala ng kanyang trainer na si Edito ‘Ala’ Villamor.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tangan ni Melindo ang 37-2-0 karta tampok ang 13KOs). Galing siya sa splie decision win kontra two-time world division champion Hekkie Budler nitong Setyembre sa Cebu City.

Hawak naman ni Taguchi ang 26-2-2 marka na may 12 KOs.

Nakuha ng Japanese ang WBA title noong 2014 at nagawang maidepensa ng anim na ulit. Hindi pa natatalo ang Japanese fighter mula noong 2013.