NAPANATILI ni Mike "Magic" Plania ang kanyang malinis na rekord nang magwagi sa puntos laban kay Mexican Roel Lazaro Perez sa kanilang anim na round na sagupaan sa Cancun, Mexico kamakalawa ng gabi.

Inihayag na makakalaban ni Plania ang beteranong si Miguel Tique ngunit bigla siyang umatras sa laban kaya hinarap ng Pinoy boxer ang late substitute na si Perez.

Nagwagi sa Plania sa mga iskor na 59-55 at 60-54 sa dalawang huradong Mexican samantalang kinampihan si Perez ng kababayang judge sa iskor na 58-56 sa anim na rounds na sagupaan.

““I am very happy with my first victory overseas. Good experience for me and Mexican fighters are always tough,” sabi ni Plania sa Philboxing.com matapos ang kanyang pagwawagi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang unang laban ni Plania sa ibayong dagat na may kartada ngayong 15 panalo, 7 sa knockouts at umaasang mapapalaban sa world rated boxer sa kanyang susunod na laban. - Gilbert Espeña