KABILANG sina Jason Kidd at Steve Nash – dalawang pinakamahusay na point guard sa kanilang henerasyon – ang kandidato sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame Class of 2018.

Sa kanilang matikas na career sa NBA, magkasunod ang dalawa all-time assists great.

Tangan ni Kidd ang marka sa NBA na may 12,091 assists, habang nakabuntot si Nash (10,335). Nasa likod sila ni dating All-Star member John Stockton ng Utah Jazz na may 15,806 all-time assists. Nailukluk na si Stockton sa Hall of Fame (2009 para sa kanyang individual career, at 2010 bilang miyembro ng 1992 US Olympic team).

Nakakolekta si Kidd, coach na ngayon ng Milwaukee Bucks, ng 107 triple-doubles, 10-time All-Star at kasama ng 2010-11 NBA champions Dallas Mavericks.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tangan naman ni Nash, eight-time All-Star at two-time MVP.

Ang iba pang NBA players na eligible sa unang pagkakataon ay sina Ray Allen, Grant Hill, Chauncey Billups at Rip Hamilton. Ang NBA players na nakakuha ng repeat nominations ay sina Chris Webber, Ben Wallace, Muggsy Bogues, Maurice Cheeks, Tim Hardaway at Sidney Moncrief.

Ang 10-time All-Star na si Allen ay may titles sa 2007-08 Boston Celtics at 2012-13 Miami Heat, hawak ang record ng most 3-pointers (2,973) sa NBA history.

Tinanghal naman co-Rookie of the Year ni Kidd si Hill noong 1994-95.