MAKALIPAS ANG APAT NA ARAW. Sa Facebook post ni Bea Policarpio, inanunsiyo niya ang pagkakatagpo sa kanyang kapatid na si Patricia “Ica” Policarpio. Si Ica ay natagpuan sa Laguna matapos huling mamataan sa Muntinlupa City.
MAKALIPAS ANG APAT NA ARAW. Sa Facebook post ni Bea Policarpio, inanunsiyo niya ang pagkakatagpo sa kanyang kapatid na si Patricia “Ica” Policarpio. Si Ica ay natagpuan sa Laguna matapos huling mamataan sa Muntinlupa City.

Ni BELLA GAMOTEA

Natagpuan na kahapon at kapiling na ngayon ng kanyang pamilya si Patricia "Ica" Policarpio, 17.

Ito ang kinumpirma nina National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Oscar Albayalde at Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. kaugnay ng ligtas na pagkakatagpo kay Ica na pamangkin ni dating Presidential Legislative Liason Office chief Jimmy Policarpio.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Base sa report, natagpuan ng mga barangay tanod ang dalagita sa tabi ng isang carinderia sa Leon Guinto Street, Barangay II-B, San Pablo City, Laguna sa pagitan ng 5:00 ng madaling araw hanggang 6:00 ng umaga kahapon.

Sa Facebook post ng kapatid ng biktima na si Bea, inanunsiyo nito ang ligtas na pagkakatagpo ni Ica kalakip ang isang larawan na magkayakap ang mag-ina.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang pamilya sa lahat ng tumulong sa paghahanap kay Ica na iniulat na nawala noong Disyembre 21, dakong 10:53 ng gabi.

“I immediately sent the information to all our districts and media friends. Since she was last seen in Sucat, Parañaque, the Southern Police District headed by Police Chief Superintendent Tomas Apolinario Jr led the initial efforts. Immediately, a talk with Ica’s parents was initiated. After gathering information, the SPD provided a hotline for any information from the public. The information spread like wildfire and the search became nationwide. Our nearby police regional offices 1, 3, 4A, and 5 also helped spread the information,” ani Albayalde.

Ayon kay Apolinario, ang pagkakatagpo kay Ica ay resulta ng kooperasyon ng mga miyembro ng komunidad, netizens at pulisya.

“Magandang example ito ng cooperation at saka ‘yung assistance ng police at ng public. Kasi kung walang magre-report din sa amin, hindi rin namin makikita ‘yan, hindi namin mai-inform ‘yung mga local police na sila ang nagpadala rin ng mga flyers,” ani Apolinario.