May munti siyang alaala sa mga mamamahayag kahit na sa hindi aktibong ilan. Naging tradisyon na rin ang pagbibigay niya ng Christmas cards with loving dedication na personally niyang sinusulat at nilalagdaan.
Thirty years niya itong ginawa umulan man o umaraw. But then, tulad ng lyrics ng isang kanta, all things beautiful has to last. All that is left now ay good memories.
Hindi tuwing Pasko kung mag-get-together si Mayor Herbert Bautista kapiling ang mga nagdiriwang ng kaarawan among the entertainment press. Batch by batch niya itong ginugrupo sa isang pagsasalu-salo sa reataurant na pag-aari ng mag-asawang Harlene at Romnick Sarmenta. Kabilang kami sa December batch.
Masarap ang pagkain sa Salo pero mayroong kulang. Sa dalawang taong lumipas ay “no show” si Mayor Bistek at ipinaubaya na lamang kay Harlene ang pag-estima sa press people. Nauunawaan namin kung gaano kaabala ang isang public servant na tulad ni Mayor Herbert. Ito ang ipinagkaiba nila ni Sharon. She always finds time. Mahalaga sa megastar ang personal touch.
Hindi tuloy namin maisulat ang activities ni Herbert bilang public servant. At kung may isyung gusto niyang linawin ay madali sana niyang maitutuwid with his presence. --Remy Umerez