DISYEMBRE nang sumabak si Olympic silver medalist Hidilyn Diaz sa IWF World Weightlifting Championship, kung saan naibulsa niya ang isang silver at isang bronze medal.
Mas malaki pa sa Olympic kung ikumpara ni Diaz ang nabing panalo niya sa Internional Weigthlifting Federation World Championship na ginanap sa Anaheim California.
Ayon sa 26-anyos na pambato ng Zamboanga, ang naturang panalo ay simbulo ng sakit, iyak at sakripisyo niya sa training at sa simbulo ng mga suporta ng mga taong pinagkakautangan niya ng loob.
Kung siya ang tatanungin ay maari na siyang huminto dahil nagwagi na siya sa Olimpiyada ng silver, ngunit aniya, mas makakabuti kung makakalusot siya ulit dito at makuha ang ginto para sa bansa.
Babalik sa enero 8 si Diaz sa kanyang pagte training upang makasiguro ng panalo sa Asian Games na magsisilbing qualifyer niya para sa Olympic 2020, kung saan target na niya na maiwui ang ginto. - Annie Abad