Nanawagan sina Senators Leila de Lima at Francis Pangilinan sa sambayanan na mag-alay ng dasal para sa mga biktima ng extra-judicial killings (EJKs), lalo na para sa mga brutal na pinaslang sa drug war ni Pangulong Duterte.

Sa kanilang pahayag, igiiit ng dalawa na maraming tao ang magdiriwang ng Pasko na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa EJK.

“Ipanalangin din natin ang mga naulilang ina, ama, asawa, anak at kapatid na haharapin ang Pasko sa gitna ng pagluluksa at paghahanap ng hustisya sa mga pinaslang ng madugong pamamalakad ng rehimeng Duterte,” ani De Lima.

Ito rin ang unang pagkakataon na ipagdiriwang ni De Lima ang Pasko sa bilangguan, at hiwalay sa kanyang ina.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Many lost family and friends to a bloody campaign that has resulted in pain and grief for its victims. Many will celebrate away from the homes they have been denied the chance to return to. Many will celebrate alone. But although it is saddening, they represent the heart of the fighting Filipino: we are a resilient people, a nation that always looks to hope and love when all seems too difficult,” ayon naman kay Pangilinan.

Ipinanalangin naman nina Senators Grace Poe at Nancy Binay ang katatagan ng sambayanan sa gitna ng mga kalamidad.

“We pray for strength and resilience for the victims, as we gather support to make them overcome this tragedy, especially this holiday season,” dalangin ni Poe. - Leonel M. Abasola