Kikilalanin ng Estado ang pagpapawalang-bisa ng Simbahan sa kasal.

Inaprubahan ng House Committee on Population and Family Relations na pinamumunuan ni Rep. Sol Aragones (District, Laguna) ang panukalang batas na kumikilala sa “civil effects of church-decreed annulment.”

Pinalitan ng pinagtibay na panukala ang House Bill 1629 na inakda ni Deputy Speaker Gwendolyn Garcia (3rd District, Cebu) (“Legalizing Church Annulment Or Dissolution Of Certain Marriages”) at HB 3705 ni Rep. Yedda Marie Romualdez (1st District, Leyte) ( “Recognizing The Civil Effects Of Church Declaration Of Nullity, Annulment, And Dissolution Of Marriages.”)

Nakasaad sa panukala, may titulong “Church Decreed Annulment,” na ang kasal na pinatnubayan ng isang pari, ministro, rabbi o presiding elder ng alinmang simbahan o sekta sa Pilipinas, at pinawalang-bisa sa pinal na desisyon alinsunod sa canons o precepts ng simbahan o sektang relihiyoso, ay balido. Dahil dito, ang dating mag-asawa ay maaari na muling magpakasal sa iba. - Bert De Guzman

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador