LUCENA CITY, Quezon – Isang babae ang nasawi, dalawa ang nawawala, at siyam ang na-rescue sa paglubog ng isang bangkang de-motor sa karagatan ng Barangay Bonbon sa Panukulan, Quezon, nitong Sabado ng hapon, iniulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Batay sa report ng Municipal DRRMO ng Panukulan, kinilala ng Quezon PDRRMO ang nasawi na si Nancy T. Sambudio, habang nawawala naman ang magkapatid na John Rex at John Darren Cabuyao.

Pito naman sa siyam na nailigtas ang kinilalang sina Joel Tayo, John Harver Tayo, John Leonard Tayo, Rodel Flores, Marlon B. Agos-agos, isang Patrick, at isang Racky.

Sakay ang mga biktima sa MBCA Dreams Nicole, na pag-aari at minaniobra ni Joel Tayo, at naglalayag sa lugar mula sa Sitio Bungliw sa Bgy. Rizal patungong Infanta nang salpukin ito ng malalaking alon na dulot ng bagyong ‘Vinta’.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nabatid sa imbestigasyon na kinumpirma ni Jose Gloria, chairman ng Bgy. Rizal, na pinilit pa rin ni Joel na maglayag kahit na may babala “not to sail”, at tuluyan itong pumalaot bandang 1:30 ng hapon nitong Sabado.- Danny J. Estacio