HINDI pa man nagreretiro, marami nang matitikas na Pinoy fighter ang binabansagang ‘the next Manny Pacquiao’. Ngunit, sa lahat , tunay na angat sa labanan si Jerwin Ancajas.
Inaasahan ang higit pang pagsigla ng career ng Filipino world champion sa international arena matapos makipagkasundo ang kampo ni Ancajas sa Top Rank Promotions para sa anim na international fight simula sa Pebrero 3 kung saan idedepensa niya ang titulo laban laban kay ainst Israel Gonzales ng Mexico.
Kinumpirma ni Joven Jimeneza, manager at trainer ni Ancajas, sa social media na selyado na ang kontrata matapos lagdaan bago ang araw ng Kapaskuhan.
“Parang early Christmas gift. Pinirmahan na namina at kaagad na ipinadala sa kanila. Kailangan nang maayos ang visa,” pahayag ni Jimeneza.
Sinabi naman ni Top Rank boss Bob Arum na posibleng mahila ang dalawang taong kontrata ni Ancajas depende sa magiging resulta nang kanyang mga susunod na laban.
Fightnight.com was the first to report of Top Rank signing up Ancajas.
“It’s a potential six-fight deal,” pahayag ni Arum, sa panayam ng Fightnight.com.
“His fights will either be co-features on our ESPN cards on big pay-per-view cards as one of the televised fights.”
Inaasahang mapapansin ng international audience si Ancajas matapos masiguro na ang title defense niya sa kanyang International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight title kontra Gonzales ay bahagi ng ESPN’s boxing card na ipalalabas ng live mula sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.
Co-main event ang laban ni Ancajas sa laban nina reigning champ Gilberto Ramirez at Habib ‘Wild Hurricane’ Ahmed.
Bago, lumagda sa Top Rank, ang promotion na humawak kay Pacquiao, nasa pangangawisa ang 25-anyos na pambato ng Panabo, Davao del Norte ng MP Promotions ng boxing icon.
“He’s a very, very exciting fighter. He’s all action. He could really become an attraction,” sambit ni Arum.