GERONA, Tarlac - Sugatan ang tatlong katao sa aksidenteng banggaan ng dalawang motorsiklo sa Gerona-Sta. Ignacio Road sa Barangay Danzo, Gerona, Tarlac, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Penner Lumibao, 38, may asawa, driver ng Rusi TC 125 motorcycle, ng Bgy. Sulipa, Gerona; Rommel Ramones, 34, may asawa, driver ng Yamaha Mio motorcycle; at angkas nitong si Blessing Faith Ramones, 6, kapwa taga-Bgy. Singat, Gerona, Tarlac. - Leandro Alborote

Probinsya

Lalaking nakiusap na hinaan ang speaker sa inuman, patay sa saksak!