LAUSANNE, Switzerland (AP) — Dalawang medalya ang binawi sa Russia bunsod ng isyu sa doping sa Sochi Olympics.

Ipinag-utos ng International Olympic Committee (IOC) ang pagbawi sa silver medal na napagwagihan nina Albert Demchenko. Kasama siya sa 11 atleta na diskwalipikado ng IOC at pinatawan ng lifetime banned.

Nagwagi si Demchenko ng silver medal sa men’s luge at bahagi ng koponan na nagwagi sa team relay. Pinatawan din ng banned si Tatiana Ivanova, miyembro ng naturang koponan.

Bahagi sila sa 11 nadesisyunan sa 46 kaso na pinangangasiwaan ng IOC.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Wala pang mensahe ang International Luge Federation sa naturang desisyon.

“On one page, it makes you question everything that their entire program has done,” sambit ni 2014 Olympic women’s bronze medalist Erin Hamlin ng U.S.

“At the same time, I beat a lot of them. So you know what? It didn’t work. And in that sense it’s extra-satisfying. ... But questions it all, not just the Olympics, and that stinks,” aniya.

Iginiit naman ng Luge officials na malinis ang kompetisyo sa sports, gayundin sa bobsled at skeleton — dalawang Olympic sliding sports.

“We’ve heard for so long that luge doesn’t have a problem and everything’s fine and blah blah blah,” pahayag ni Hamlin. “And now everything’s going to be questioned.”