BALIK-aksiyon si Woods sa 2018 PGA Tour. AP
BALIK-aksiyon si Woods sa 2018 PGA Tour. AP

LOS ANGELES (AP) – Handa na ang pagbabalik ni Tiger Woods. At sa pagkakataon ito, hindi niya kasama ang kanyang swing coach.

Ipinahayag ni Woods nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa kanyang mensahe sa Twitter na mula nang sumailalim siya sa fusion surgery sa kanyang likod nitong April,natutunan niyang gamitin ang katawan sa kanyang golf swing na wala ang Dallas-based swing coach na si Chris Como.

“For now, I think it’s best for me to continue to do this on my own,” pahayag ni Woods. “I’m grateful to Chris Como for his past work, and I have nothing but respect for him.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi kasama si Como ng maglaro si Woods sa Bahamas. Sa kanyang unang torneo sa nakalipas na 10 buwan, matikas ang naging kampanya ng 14-time major champion sa naiskor na under-par game para makisosyo sa ikasiyam sa 18 players na naglaro sa Hero World Challenge.

“When our professional relationship began, I was asked to help Tiger utilize his own instincts and feel while playing pain free,” pahayag ni Como sa panayam bago ang pagbabalik ni Woods.

“I think we’ve accomplished that and I’m proud of the results. Tiger is ready to have an incredible run in his career. I’m eager to watch what will be one of the most exciting sports comebacks of all time.”