Ni Charina Clarisse L. Echaluce

Kabilang ang isang 11-buwang lalaki sa tatlong bagong biktima ng paputok sa kasisimuang surveillance period ngayong taon, sinabvi kahapon ng Department of Health (DoH).

Ayon sa “Aksiyon: Paputok Injury Reduction 2017 Report No. 2”, ang Case No. 3 ay isang 11-buwang lalaki n a taga-Malate, Maynila, na nasugatan ng Pop-pop sa tuhod.

“He was a passive case who sustained blast injury with no amputation,” saad sa DoH report.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isinugod ang sanggol sa Ospital ng Maynila Medical Center.

Sa kabuuan, apat na ang naitatalang biktima ng paputok sa bansa simula 6:00 ng umaga nitong Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga kahapon.

Pawang bata ang apat na naputukan, bagamat ang nasabing bilang ng mga kaso ay mas mababa kumpara noong nakaraang taon.

“This is seven cases lower than the same time period last year,” anang DoH.

Kapwa lalaki rin ang dalawa pang nabiktima ng paputok. Ang una ay isang 12-anyos na taga-Sampaloc, Maynila na nagtamo ng blast injury sa kanang kamay dahil sa Piccolo, at kasalukuyang ginagamot sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

Isa namang 11-anyos na lalaki sa Legazpi City, Albay ang nasugatan sa kaliwang kamay dahil din sa Piccolo. Ginagamot siya sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital.

Nitong Biyernes, iniulat ng DoH ang unang biktima ng paputok, isang 11-anyos na lalaking taga-Pasig City, na nasabugan din ng Piccolo.