Ni Nora Calderon

MAGANDA ang samahan ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Naiintindihan at suportado ng husband ang trabaho ni Solenn. Wala sa Pilipinas si Nico ngayong Pasko dahil umuwi ito sa kanila sa Argentina last week. Pinag-usapan nilang mag-asawa na hiwalay muna sila this Christmas.

NICO AT SOLENN copy

Sasama sana si Solenn kay Nico, pero hectic ang schedule niya pagpasok agad ng 2018.

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

“Nico understood my reason, kaya walang problema sa amin. For one year naman kasama ko si Nico simula nang ikasal kami last year, right time naman na he spends Christmas with his family.

“Ako naman, hindi mag-iisa dahil kasama ko ang family ko rito, with my favorite Christmas decorations and Christmas songs, at may bago akong kasama ngayon ang CDO Premium Holiday Ham. Natuwa ako nang kunin nila akong endorser nito dahil dati wala akong alam tungkol sa ham at sa extenders. Now, alam ko na ang difference nito sa ibang ham na nabibili sa market.”

Lagi sa Pilipinas nagdiriwang ng Pasko si Solenn dahil napamahal na sa kanya ang mga tradisyon dito pagdating ng panahong ito na wala sa kanila sa France. Mas nadagdagan din ang happiness ni Solenn this year dahil may additional member ang family nila, si Anne Curtis na kasal na ngayon ng kapatid niyang si Erwan.

Masaya rin si Solenn dahil ang musical game show niyang All Star Videoke with Betong Sumaya ay laging panalo sa ratings kaya nasa third season na sila. Natutuwa ang televiewers sa show nila dahil may kantahan at may comedy. May isa na silang grand champion, si Miguel Tanfelix na nakapag-uwi ng brand new SUV car at more than 300 thousand cash prize.

Inaabangan kung si Maricris Garcia na ang susunod na grand champion. Napapanood ang musical game show every Sunday, after ng 24 Oras Weekend.